
Si Jennylyn Mercado ang taya para sa seventh episode ng online show ng Descendants of the Sun na pinamagatang 'DOTS How You Do It.'
Nakatoka ang Ultimate Star na magbahagi ng easy tips and tricks sa pag-o-organize ng bahay. Mapapanood ito live this Thusday, 7 p.m., sa Facebook page ng Descendants of the Sun.
Siguraduhing tapusin ang livestream dahil magbibigay ng espesyal na regalo si Jennylyn sa isang loyal viewer.
Nauna nang lumabas sa 'DOTS How You Do It' ang kanyang co-stars na sina Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Jasmine Curtis-Smith, Andre Paras, Paul Salas, at Jon Lucas.