What's Hot

Jennylyn Mercado to sue tabloid Pinoy Parazzi

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated April 8, 2020 7:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Isa sa mainit na pinag-usapan sa nagdaang linggo ang sikreto at private sanang binyag ng baby ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.
Isa sa mainit na pinag-usapan sa nagdaang linggo ang sikreto at private sanang binyag ng baby ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz. Pero naging mas kontrobersiyal pa ito nang magpumilit ang ilang press people at photographers na makunan ang nasabing binyagan, sa kabila ng pakiusap ni Jennylyn at ng kanyang mga kamag-anak na huwag nang kumuha ng pictures ni Baby AJ. Pero ikinairita nang husto ni Jennylyn na sa kabila ng kanyang mga pakiusap-at banta na gagawa sila ng kaukulang aksyon kung ilalabas pa rin ang mga litrato ni Baby AJ-ay lumabas pa rin ang mga larawan nito sa tabloid na Pinoy Parazzi. "Ang hirap kasi, nagbigay na ako ng warning sa kanila, so wala na akong magagawa. Wala akong choice, kailangan na talaga akong gumawa ng move. Sobra 'yun, eh. Right ng bata at right ko 'yun. Wala silang magagawa dun." stars
Iyon ang pinanindigan ni Jennylyn nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after ng matagumpay na live chat nila ni Mark Herras with their fans organized by New Media Inc. (NMI) through iGMA.tv, ang official website ng GMA Network. Ginanap ang live chat na ito last January 29, Thursday, sa mini-studio sa opisina ng NMI sa 12th floor ng GMA Network. Nakita na ba niya kung saan lumabas 'yung mga pictures? "Oo, nakita ko na. Natukoy ko na. Alam ko na kung sinong photographer, kung sinong writer, kung saan ang office. Alam ko na lahat." Magdedemanda ba siya laban sa tabloid at sa mga taong involved? "Yes, nasa process na siya. Inaayos pa namin ngayon kung ano ang mga kasong puwedeng isampa against them. Hintayin na lang nila kung ano ang magiging result." Sinasabi kasi na bilang artista ay public figure na si Jennylyn. Bakit kailangang pagbawalan ang pagkuha ng pictures sa baby niya at isikreto ang binyagan? "Kumbaga kasi 'yung time na 'yun, karapatan naman namin 'yun, eh. Period. Alam mo 'yun? Kahit saan natin ito dalhin, karapatan namin iyon," mariing sagot ni Jennylyn. Nang dumating daw sila sa chapel ay naroon na ang mga press people kaya pinakiusapan na lang niya ang mga ito. "Nakiusap ako. Wala talaga akong alam kung paano nila nalaman. Ni wala akong idea kung paano sila nakarating doon. Well, siguro wala namang makakaalam kung hindi rin sinabi nung mismong parish, ano, 'di ba?" Na-disappoint ba siya sa nangyari? "Sobrang disappointed ako," panlulumo ni Jen. Ang ipinagtataka lang ng marami, bakit pati ang manager niyang si Becky Aguila ay hindi alam ang naturang binyagan? "Private, eh. Personal. Family and friends lang talaga. Kaya nagulat ako that time. Ultimo nga 'yung mga ninong at ninang ay hindi ko na naimbitahan. Kailangan ko na kasing pabinyagan si Baby Jazz, kasi nga nagkakasakit na. Kaya biglaan din." Pero nagkausap na ba sila ni Tita Becky? "Oo at willing din siyang tulungan ako sa kaso. Kasi naiintindihan niya ako." Kinausap na ba niya ang mga ninong at ninang, na kinabibilangan ng mga ka-batch niya sa StarStruck, tungkol sa hindi nila pagkakaimbita sa binyag? "Oo, naipaliwanag ko na sa kanila." Isa ang ka-love team niya at ex-boyfriend na si Mark Herras sa mga ninong; nagbigay na ba ito ng regalo kay Baby Jazz kahit hindi siya naimbitahan? "Oo naman, nagregalo na siya. Kinausap ko na rin siya about it at naintindihan naman niya." Isa rin daw sa reasons kung bakit ayaw munang i-expose ni Jennylyn ang pictures ni Baby Jazz ay dahil inire-reserve niya ito sa ilalabas niyang coffeetable book. "Oo nga, inire-reserve ko yun, eh. 'Yun nga, para sa coffeetable book. Isa rin 'yun sa mga rason kung bakit hindi ko pa puwedeng ipakita." Ayon kay Jennylyn, sa last week of February na niya ilalabas ang kanyang coffeetable book. "Sana po suportahan n'yo po. Malapit ko nang ilabas, last week of February, sure na sure na ito, sa lahat po ng mga bookstores. Magkakaroon po kami exhibit sa Shangri-La. Makikita na nila yung buong pregnancy ko hanggang sa makapanganak. Makikita nila 'yung operating room, delivery room, lahat. Nandun din ang first look kay Baby Jazz." Meron ka raw nude picture sa libro. Totoo ba ito? "Meron, as in mata lang ang kita," biro pa ni Jen. "Basta magugulat po sila." Busy si Jennylyn sa kanyang career. Tapos meron pa siyang standing case against sa kanyang dating handler na si Mel Pulmano. Ngayon ay madadagdagan na naman ito ng isa pang kaso. Paano niya hina-handle ang mga ito? "Basta alam ko kung ano 'yung dapat gawin. Alam ko kung ano 'yung tama. Alam ko kung sino yung dapat parusahan." - PEP.ph