GMA Logo jennylyn mercado and dennis trillo
Source: Jennylyn Mercado (YouTube)
What's Hot

Jennylyn Mercado welcomes first child with Dennis Trillo

By Jimboy Napoles
Published May 2, 2022 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

jennylyn mercado and dennis trillo


Jennylyn Mercado: "Check up lang dapat kami ngayon, e..."

Isang magandang balita ang ibinahagi ng celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang latest vlog, kung saan sorpresang ipinasilip ng dalawa ang biglaang panganganak ni Jennylyn sa kanilang baby girl.

Sa episode 13 ng YouTube vlog ng aktres na "Nursery Tour," ipinakita niya ang mas pinagandang nursery room para sa kanilang magiging anak ni Dennis.

Pero sa huling bahagi ng vlog na ito, mula sa nursery room makikita naman na nasa operating room na sina Jennylyn at Dennis noong Lunes, April 25, para sa panganganak ng aktres.

Kuwento ni Jennylyn, "Check up lang dapat kami ngayon, e, bigla na lang kaming... manganganak na raw."

Dagdag pa ni Jennylyn, "Hindi kami ready."

Sa sumunod na video, makikita naman si Dennis na naghahanda na para sumunod sa operating room.

Aniya, "Susunod na ako sa operating room, medyo kinakabahan ako."

Sa dulo ng vlog, makikita ang larawan ng dalawa na nasa operating room na kasama ang doktor at medical staff.

Panoorin ang vlog na ito ng mag-asawa DITO:

November 2021, nang inanunsyo ng dalawa ang pagbubuntis ni Jennylyn kasunod ng kanilang intimate wedding.

Samantala, balikan ang relationship timeline nina Jennylyn at Dennis sa gallery na ito.