What's Hot

Jennylyn, still in love

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 31, 2020 8:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



It's undeniable na lahat ay ibinibigay ni Jennylyn sa tanging lalaki sa kanyang buhay ngayon.
When Jennylyn Mercado falls in love, she gives the relationship her all. And this time, it's undeniable na lahat ay ibinibigay niya sa tanging lalaki sa kanyang buhay ngayon. Text by Rose Galvez. Interview by Connie M. Tungul. Photos provided by GMA Network. stars
Yes, in love si Jen. In love siya sa kanyang nine-month-old baby boy na si Alex Jazz, or AJ, as their family fondly calls him. How's AJ doing now? "Ok naman po si AJ, medyo makulit na po siya," Jen says in an email interview with iGMA. "At ang cute-cute niya -- mana sa akin. Hahaha!" A proud mom, ikinuwento ni Jen kung anu-ano na ang mga kayang gawin ni AJ: "Medyo kaya na po niyang maglakad pero with the help of us in the house. Nagsisimula na rin po siyang magsalita pero mga simple words pa lang." Sino ba ang pinaka-close ni AJ sa bahay? "Ang pinaka-ka-close niya sa house is my mom," she reveals. At nakakatuwa pa daw dahil napaka-immersed ni Mommy Lydia sa kanyang role as grandma. "Hands-on pa rin siya kay AJ [tulad noon]. Feel na feel po ni Mama ang paging lola niya! At makikita n’yo pong love na love niya si AJ." Pero siyempre, importante pa rin that the mom herself spends time with her baby. Given her busy schedule, nagagawa pa ba niyang bigyan ng time si AJ? Although patapos na ang Paano Ba Ang Mangarap, may pinaghahandaan din siyang birthday concert at launching ng kanyang coffee table book. "I always find time for my son," Jen stresses. "Kaya kahit medyo busy ako sa work ko, I see to it na may quality time pa rin kami ni AJ. 'Pag walang work, lagi kami magkasama." Of course, kaya din naman siya nagtatrabaho ay para mapunuan ang lahat ng needs ni AJ, 'di ba? Ano naman ang message niya para sa kanyang loyal fans na through thick and thin ay hindi nawawala sa kanyang tabi? "I just want to thank all my fans na walang-sawang sumusuporta sa akin. Lagi silang nadiyan no matter what happens. Sana hanggang sa dulo nandiyan pa rin sila. Mahal ko silang lahat dahil kung wala sila, walang Jennylyn Mercado." Nag-invite din si Jen sa kanyang upcoming birthday concert: "Kailangan [din] nilang abangan ang concert ko, which falls on May 14 sa Music Museum. At siyempre, ang coffee table book namin ni AJ na may pre-selling on the night of my concert. Pero siyempre, dapat abangan nila ang ending ng Paano Ba Ang Mangarap. Talaga namang this single mom has so much love for her son. She works hard to give AJ everything he needs, but still makes sure to spend precious time with him. Kung gusto niyo pang makakuwentuhan si Jen about AJ at malaman ang experiences niya sa Paano Ba Ang Mangarap, don't miss her pre-birthday comeback sa iGMA Live Chat on May 7, from 11:30 a.m. to 1 p.m. (Philippine time)! At siyempre, don't forget to watch Paano ba ang Mangarap? every weekday afternoon sa Dramarama sa Hapon ng GMA. Kung gusto mong maging updated kay Jennylyn, subscribe na sa Fanatxt service niya! Just text JENNYLYN to 4627 for all telcos. Each Fanatxt message costs PhP2.50 for Globe, Smart, and Talk N Text, and PhP2.00 for Sun subscribers. (This service is available in the Philippines only.)