
Tampok sa "Retoke" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, November 5, ang totoong kuwento ng buhay ni Natanya (Jenzel Angeles) na nasira ang ilong dahil sa scammer na doktor.
Simula nang makita ni Natanya na mas dumami ang kliyente ng katrabahong si Maricel (Pepita Curtis) magmula nang nagparetoke ito, napagdesisyunan ng una na magpagawa na rin ng ilong sa paniniwalang ito ang susi para mas lalong lumaki ang kita niya sa pagiging isang credit card agent.
Pero lingid sa kaalaman ni Natanya, ang doktor (Rubi Rubi) na gumawa sa ilong niya ay scammer pala!
Makakasama rin ni Jenzel sa upcoming episode sina Arlene Mulach, Luis Hontiveros, Celine Fajardo, Euleen Castro, at Gifer Fernandez.
Huwag palampasin ang Wish Ko Lang: Retoke ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
SAMANTALA, KILALANIN PA SI JENZEL ANGELES SA GALLERY NA ITO: