GMA Logo Jerald Napoles at Kim Molina
Celebrity Life

Jerald Napoles at Kim Molina, inaming nag-break na noon

By Nherz Almo
Published January 11, 2023 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Jerald Napoles at Kim Molina


Sinunod daw noon nina Kim Molina at Jerald Napoles ang “three-month rule” pagkatapos ng kanilang breakup. Alamin kung anong nangyari rito:

Going strong kung maituturing ang celebrity couple na sina Jerald Napoles and Kim Molina, na halos walong taon nang magkakilala.

Pero inamin ng magkasintahan na minsan na rin silang naghiwalay sa kanilang five-year relationship.

Sa press conference ng kanilang bagong pelikulang Girlfriend Na Pwede Na kamakailan, nabanggit nila ito nang tanungin sila tungkol sa kanilang mga tampuhan.

“Naghiwalay na po kami ni Kim dati para lang ma-testing,” natatawang pag-amin ni Jerald.

Ayon kay Kim, umabot ng tatlong buwan ang paghihiwalay nila noong ng kanyang boyfriend.

Pag-alala pa niya, “Hindi ba, may breakup rule na three months? So after ng three months, pwede ka nang mag-date ng iba. So, wow, 'Three-month rule, okay na ako mag-date ng iba,' kami rin ang nag-date ulit.”

Para naman kay Jerald, naging magandang pagkakataon daw ito para mas kilalanin pa ang kani-kanilang sarili at mas malaman pa kung gaano niya kailangan ang kanyang girlfriend.

Paliwanag niya, “Naniniwala ako, personally, sa relasyon you actually discover yourself muna bago mo ma-discover yung partner mo. It's always a selfish thing to enter something. Kapag pumasok ka sa isa, gusto mo laging mangyari yung gusto mo, e.

“So, yung unang break up namin, yun ang nangyari--ito ang gusto ko, ito ang gusto niya. Hanggang sa naisip ko na hindi, kailangan ko pala siya. So, I have to work on the things na gusto rin niya.”

“May adjustment period lagi. Sa una, selfish ka. Sa pangalawa, bibigay ka na. Kung gusto mo pa siyang makasama nang matagal, kailangan mong tanggapin siya. Ganun yung nangyari sa amin kaya nagkabalikan po kami.”

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)

Kahit matagal na silang magkakilala, marami pa rin daw nadi-discover sina Kim and Jerald tungkol sa isa't isa.

Sa parte ni Kim, ikinagulat daw niya ang iba pang mga kakayahan ni Jerald nang simulan nila ang kanilang Fit Mix business nitong nakaraang pandemya.

“Marami kaming nadi-discover sa isa't isa,” aniya.

“Recently, I just discovered na si Jerald pala is actually very intelligent that what I think he already is. So, may tinayo kaming business, he's very hands-on. Hindi ko na-imagine kasi na office guy si Je. Pati siya, nagugulat.

“It's something new and it's actually very exciting that I discovered those new things about my partner. I'm so proud of him, parang ang sarap niya lalong kasama at i-present to a lot of people because he's actually very smart and very intelligent.”

Pagbabahagi naman ni Jerald, “Kapag may nadi-discover ako kay Kim, sinasabi ko agad sa kanya. Yung affirmation, hindi na namin tina-try itago kung ano yung na-discover namin sa isa't isa, good or bad. Dahil doon, mas naging open ako sa kung anong mangyayari sa relasyon namin.”

Sa huli, sinabi ni Kim na malaking bagay ang pagkakapareho nila ni Jerald sa maraming aspeto kaya tumatagal ang kanilang relasyon.

“Kung anuman po ang nakita ko kay Je and reason kung bakit kami nag-stay [with each other], pareho po kasi talaga ni Jerald--we have the same goals, we have the same dreams,” pagtatapos ni Kim.

Muling mapapanood sina Jerald at Kim sa Girlfriend Na Pwede Na, na ipalalabas sa mga sinehan simula Miyerkules, January 18.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG KILIG PHOTOS NINA JERALD AT KIM SA GALLERY NA ITO: