
Bago pa man sumikat sa telebisyon dahil sa kanyang pagpapatawa, nakilala muna si Jerald Napoles sa mundo ng teatro.
LOOK: 17 Kapuso stars who succeeded in showbiz-theater crossovers
Nitong weekend, kasabay ng 50th anniversary ng Philippine Educational Theater Association, binalikan ng aktor kung paano siya nagsimula sa naturang theater organization.
"19 years old ako, first audition ko sa PETA para sa dulang AGNOIA sa Lantana office nila. Si Melvin Lee @mleenow ang nagpapa-audition, ang kasunod ko sa pila ng mag-audition si Andoy Ranay @andoyranay .. di nila ako kilala, di ko rin sila kilala hahaha," panimula niya sa caption.
Dagdag niya, "Pero pinangarap ko na mag play sa PETA. Ngayon magkakakilala na kami at nakasama ako sa dalawang hit musical ng PETA. MARAMING SALAMAT at HAPPY 50th BIRTHDAY Philippine Educational Theater Association."
MORE ON JERALD NAPOLES:
WATCH: Jerald Napoles, pareho nang pinagdadaanan kay 'Ika-6 Na Utos' star Sunshine Dizon?