GMA Logo
What's Hot

Jeremiah Tiangco, balak ligawan si Thea Astley?

By Jansen Ramos
Published January 8, 2020 11:20 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry

Article Inside Page


Showbiz News



'The Clash' Season 2 Grand Champion Jeremiah Tiangco on her co-Clasher Thea Astley: "Deserve n'ya mahalin."

Desididong ligawan ng The Clash Season 2 Grand Champion na si Jeremiah Tiangco ang kanyang kapwa Clasher na si Thea Astley.

Bago pa man magtapos ang programa, vocal na si Jeremiah tungkol sa kanyang nararamdaman para sa binansagang RnB Sweetheart ng Qatar.

"Sobrang ina-amidre ko po s'ya. Bukod sa sobrang ganda n'ya, maganda boses n'ya, sobrang bait n'ya, sobrang caring n'ya na tao. Saka deserve n'ya mahalin," pagpuri ni Jeremiah kay Thea.

💞 @theaastley Styled by: @nathanzafra @themanbehindthestyle @michodacasin 📸: mama @geebragancia

A post shared by Jeremiah Tiangco (@jeremiah_tiangco) on

Wala pang isang taong magkakilala sina Jeremiah at Thea ngunit nakita na kaagad ng binata ang mga katangian nito na kanyang nagustuhan.

Bahagi ng 22-year-old singer, "Sa audition pa lang magkakasama na po kami so parang ilang months na po kami magkakilala. Though magkaka-close naman po kaming lahat ng Clashers pero nararamdaman mo 'yung intimate care talaga sa isang tao in return."

Sa Qatar pa rin naka-base ang pamilya ni Thea ngunit pinili niyang manirahan sa Pilipinas dahil sa kanyang career. Liligawan pa rin ba ni Jeremiah ang dalaga kung kailanganin nitong bumalik doon?

Sagot ni Jeremiah, "Love doesn't define naman kung nasaan 'yung tao. Kung talagang love mo, ipapakita mo. Actually, mahal naman po namin 'yung isa't isa lalo na sa The Clash kasi family po kami [roon]."

Kapuso Showbiz News: Jeremiah Tiangco, nabingi nang tawagin ang pangalan sa 'The Clash' finale?

Kapuso Showbiz News: Thea Astley: "Hindi pa ito ang huli na makikita n'yo ko"