GMA Logo jeremiah tiangco
photo by: Clare Cabudil
What's on TV

Jeremiah Tiangco, balik-'Tawag ng Tanghalan': 'Back to zero po ito'

By Kristine Kang
Published March 7, 2025 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

jeremiah tiangco


Excited na si Jeremiah Tiangco mag-perform muli sa tanghalan kasama ang iba pang alumni contenders.

Sasabak muli sa kompetisyon ang Sparkle star na si Jeremiah Tiangco sa pinakaaabangang bagong season na "Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbakan."

Muling magtatapatan sa entablado ang 48 contenders mula sa iba't ibang season ng TNT. Dahil dito, labis ang tuwa ni Jeremiah na makabalik sa kanyang pinagmulan bilang singer. Masaya rin siyang muling makasama ang iba pang contenders at maipagpatuloy ang kanyang TNT journey.

"'Yung pagkatalo ko po dito sa TNT, 'yung huling laban ko which is kay Kuya Sofronio [Vasquez], paos ako, so ang dami kong unfinished business," pahayag niya.

"So 'yung preparation ko po since bata pa lamang ako, hindi pa ako matured enough para sumabak sa competition na iyon. Masasabi ko ngayon naging parang sobrang naturo sa akin na maging mature pa po para sumabak pa sa mga competition."

Mas masaya at chill si Jeremiah sa pagbabalik niya ngayon kumpara sa matinding pressure na naramdaman niya noong 2016. Ngunit aminado siyang hindi pa rin magiging madali ang labanan, kahit na mas marami na siyang karanasan sa stage.

Nilinaw din ni Jeremiah na iba pa rin ang magiging labanan sa Tawag ng Tanghalan kumpara sa pagkapanalo niya sa singing competition na The Clash.

"Kasi uulitin ko po, parang back to zero po ito. Knowing na ganito ang mga kasabayan ko dapat hindi ka relax, hindi ka kalmado sa mga pwedeng mangyari. Feeling ko hindi talaga siya advantage kasi lahat dito magagaling. Mula sa mga bata hanggang sa pinaka matanda na nasa dulo," paliwanag niya.

Sa susunod na linggo na magsisimula ang malakasang tapatan ng contenders sa "Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbakan."

Makakasama nila ang mga bigating hurado na sina Ogie Alcasid, Karylle, Jed Madela, at Louie Ocampo. Uupo na rin bilang mga bagong hurado ang Concert Queen na si Pops Fernandez at Asia's Nightingale Lani Misalucha.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, tingnan ang fashion looks ni Jeremiah Tiangco sa gallery na ito: