
"Go tayo d'yan!"
Ito ang mabilis na sagot ng The Clash Season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco nang tanungin siya ng entertainment writer na si Gorgy Rula kung handa ba siyang magpaka-daring on-screen. Naganap ito sa virtual media conference para sa new single ng Kapuso soul singer kahapon, October 15.
Dugtong ni Jeremiah, "Andito na tayo, e. Matagal na nating pinangarap 'to."
Ayon pa sa All-Out Sundays mainstay, goal niyang gawing sexy ang kanyang image kaya nahihilig siya sa pagwo-wokout.
Please embed:
Ika niya, "May mga goals po talaga ako. Sine-set ko po 'yung mga priorities ko. Hopefully, ma-approve po ako [bilang endorser] like kunwari Bench, may mga rumors lang naman na gano'n."
Nang tanungin kung gusto ba niyang mabansagan na Sexy Soul Singer, nakangiting sambit ni Jeremiah, "Go tayo d'yan. Kelan ba 'yan?"
Gusto rin daw talaga ni Jeremiah na pumasok sa acting kung mabibigyan siya ng pagkakataon.
Sabi niya, "Nakak-amiss lang din kapag tinitingnan ko sila Ate Rita [Daniela] and Kuya Ken [Chan] kapag umaarte ba. [Sabi ko,] 'Hala ano kayang feeling nito? Parang feeling ko kaya ko 'to.'] May gano'ng gut feeling."
Gayunpaman, nais muna raw ni Jeremiah na pagtuunan ang kanyang music career lalo pa at kaka-release lang ng GMA Music ng kanyang debut single na "Titulo."