GMA Logo Jeremiah Tiangco
What's Hot

Jeremiah Tiangco, inaming naging emosyunal sa recording ng bagong kanta "Sa Tuwing Umuulan"

By Aimee Anoc
Published July 24, 2021 10:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Jeremiah Tiangco


"Noong ni-record ko po ito, sobrang heartfelt... May time na teary-eyed po talaga ako." - Jeremiah Tiangco

Ibinahagi ni The Clash Season 2 winner Jeremiah Tiangco sa media conference nitong Biyernes, July 23, na naging emotional siya sa recording ng bago niyang kantang "Sa Tuwing Umuulan" dahil naaalala niya ang pumanaw niyang tito at lola na sadyang malapit sa kanya.

Ayon kay Jeremiah, ang bagong kanta ay tungkol sa mga alaala; kung paanong sa tuwing umuulan nagiging emosyunal ang isang tao.

"'Yung ulan kumbaga iyon 'yung nagsasabi na ito 'yung memories namin noong okay pa kami, noong buhay pa siya. 'Pag tuwing umuulan nare-reminisce mo 'yung good memories nilang dalawa," pagbabahagi ni Jeremiah.

Jeremiah Tiangco

Sobrang nakaka-relate raw si Jeremiah sa bago niyang kanta dahil sa personal experience tulad na lamang nang mawala ang malalapit na tao sa kanyang buhay.

"Kapag umuulan kasi 'yun 'yung time na naaalala ko sila, na bakit ba nangyari 'yun, dapat hindi na lang. Kaya noong ni-record ko po ito, sobrang heartfelt. May time na noong rini-rehearse ko po siya sa bahay... teary-eyed po talaga ako kasi nami-miss ko [sila lola at tito]," dagdag pa ni Jeremiah.

Bata pa lamang, bukod sa kanyang ina, sobra rin daw ang pag-aalaga sa kanya ng kanyang lola na namatay dahil sa kidney failure. Gayundin, malambing din siya sa kanyang tito na tinatawag niya ring "daddy."

"Hanggang ngayon 'pag iniisip ko po sila, mayroon talagang mga questions. Bakit nangyayari ito sa buhay ng tao? Bakit kailangan mawala 'yung taong mahal mo?" sabi ni Jeremiah.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Jeremiah dahil nabigyan siya ng pagkakataon na kantahin ang isinulat ni Arnie Mendaros, ang nasa likod ng hits songs na "Hanggang Ngayon," "Magpahanggang Wakas," at "Nasaan Ka Na."

Simula July 25, mapapakinggan na ang second single ni Jeremiah na "Sa Tuwing Umuulan" sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital platforms worldwide.