
Hindi pa rin tapos ang hype ng laruang lato-lato para sa Kapuso singer na si Jeremiah Tiangco dahil maging sa red carpet ng GMA Gala 2023 ay dinala niya ito.
Suot ang kaniyang rose gold modern suit, inirampa din ni Jeremiah ang kaniyang lato-lato sa red carpet at nagpa-picture pa habang nilalaro ito.
“Lato-Lato Laban sa lahat,” caption pa ng The Clash season 2 grand champion.
Samantala, trending at hot topic din sa social media ang GMA Gala 2023 na dinaluhan hindi lamang ng Sparkle at Kapuso Stars kundi maging ng iba pang celebrities at social media personalities.
Sa Twitter, nasa number one spot ng Philippine trending topics ang #GMAGala2023, ang official hashtag ng nasabing event.
Bukod sa naging masayang pagsasama-sama ng mga artista, ang GMA Gala 2023 ay isang fundraising event na naglalayong makatulong sa lahat ng beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation.
BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGRAMPA NG MARAMING CELEBRITIES SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO