What's on TV

Jeremiah Tiangco sings Rivermaya's '214' for 'Lolong'

By Marah Ruiz
Published June 22, 2022 8:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jeremiah Tiangco


Inawit ni Jeremiah Tiangco ang isang cover ng '214' ng Rivermaya bilang official theme song ng 'Lolong.'

Ang iconic Rivermaya song na "214" ang napili para maging offical theme song ng Lolong, ang dambuhalang adventure-serye sa primetime.

Si The Clash Season 2 Grand Winner Jeremiah Tiangco naman ang napili para i-interpret ito para sa serye.

Image Source: jeremiah_tiangco (Instagram)



Nagbigay na rin si Jeremiah ng patikim ng kanyang cover song sa ginanap na media conference ng Lolong noong June 20.

Naglabas din ang programa ng isang music video para sa kanta kung saan may munting pasilip sa ilang madamdaming eksena mula sa serye.

Ipinamalas din dito ang kumplikadong love story sa pagitan nina Lolong (Ruru Madrid), Elsie (Shaira Diaz), Bella (Arra San Agustin) at Martin (Paul Salas).

Ang Lolong ay kuwento ng pangkaraniwang magniniyog na si Lolong, na matutuklasan ang 'di pangkaraniwang kakayanan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

Huwag palampasin ang Lolong, simula ngayong July 4, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad!

Panoorin ang full music video ng '214' ni Jeremiah Tiangco para sa Lolong sa video sa itaas.

Samantala, silipin ang pagharap ng cast ng Lolong sa media sa eksklusibong gallery na ito: