
Sina Kapuso stars Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents ngayong Linggo.
Muling magtatambal ang rumored couple sa episode na "Perfect Fit."
Gaganap dito si Jeric bilang Jim, isang playboy gym owner na panay ang pa-cute para makakuha ng mga bagong kliyente at mga babaeng ide-date.
Si Rabiya naman ay si Jenna, dance instructor sa bagong gym na kakompitensiya ni Jim.
Malalaman ni Jim na ang magandang dance instructor ang rason kung bakit humahakot ng mga bagong kliyente ang kabilang gym.
Susubukan niyang i-pirate si Jenna at laking gulat niya nang pumayag ito.
Bakit nga ba pumayag si Jenna sa alok ni Jim? May iba pa ba siyang binabalak kay Jim at sa gym nito?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Perfect Fit," June 4, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: