
Nilinaw ni Sparkle Star Jeric Gonzales na mutual ang desisyon nila ng dating girlfriend na si Rabiya Mateo na maghiwalay. Ito ay matapos kumpirmahin ng aktor kamakailan lang na hiwalay na sila at sinabi niyang single siya ngayon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 16, hiningi ni King of Talk Boy Abunda ang kuwento ng paghihiwalay nina Jeric at Rabiya. Ngunit dahil hindi umano nagsalita ang dating nobya tungkol sa kanilang relasyon, pinili ng aktor na tumahimik na lang din tungkol dito.
“Alam mo, Tito Boy, I can't answer that question. I'm sorry, pero si Rabiya kasi, wala siyang binanggit about dito sa topic na 'to, about sa breakup, so parang bilang respeto sa kanya, Tito Boy, ayoko pong magsalita about it,” sabi ni Jeric.
Naintindihan naman ito umano ng batikang host at sinabing naitanong lang niya dahil sa mga binitawang kataga ng dalawa noong bumisita sila sa naturang GMA Afternoon Prime talk show.
Pag-alala ng batikang host, “Hindi ko kailanman malilimutan 'yung mga binitawan n'yong salita na, 'Na-realize pala namin na hindi namin kaya na wala ang isa't isa.' May pangalawa pa, 'Ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin.'”
Dito tinanong ng batikang host kung ipinaglaban ba nilang muli ang kanilang relasyon, na sinagot naman ni Jeric ng “Of course, Tito Boy. Hindi ko maipagkakaila 'yun na ipinaglaban namin.”
Ngunit sabi ng aktor, “But of course, there are things na mutually, napagkasunduan din namin na 'Parang kung ilalaban natin 'to, parang mas mahirapan tayo pareho. We have to grow.'”
“Mutual ang decision?” tanong ni Boy.
“Mutual, mutual,” sagot ni Jeric.
BALIKAN ANG ILAN SA SWEETEST PHOTOS NINA JERIC AT RABIYA SA GALLERY NA ITO:
Sa huli, sinabi ni Jeric na magkaibigan pa rin sila ni Rabiya sa kabila ng hiwalayan. Isang bagay umano na ipinagpapasalamat ng aktor sa relasyon nila ni Rabiya ay ang mga natutunan niya dito at ang pagmamahal ng actress-beauty queen sa kanya.
“Sa showbiz, it's very difficult na magkaroon ng relasyon, but lahat inintindi niya 'yun, malawak siyang tao, si Rabiya. And I thank her kasi inalagaan niya ako for all those years,” sabi ni Jeric.
Samantala, nang hingin ng batikang host kung ano ang ihihingi niya ng tawad, sabi ni Jeric, “Sorry kasi sana masamahan ko pa siya ngayon sa lahat ng mga journey niya but I'm proud of her and I wish her all the best pa rin sa lahat ng ginagawa niya. And we're friends, andito pa rin ako for her.”
Panoorin ang panayam kay Jeric dito: