GMA Logo Start-Up Philippines
What's Hot

Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi, makakasama nina Alden Richards at Bea Alonzo sa 'Start-Up Philippines'

By EJ Chua
Published March 16, 2022 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Start-Up Philippines


Ilang Kapuso stars na bibida rin sa Philippine adaptation ng hit Korean series na 'Start-Up,' ipinakilala na!

Bukod kina Alden Richards at Bea Alonzo, ipinakilala na rin ang ilang Kapuso stars na bibida sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Start-Up.

Kahaponi, March 15, inihayag sa 24 Oras ang ilan pang mahuhusay na artista na magdadala ng kilig at inspirasyon sa nalalapit na pagpapalabas ng pinakabagong serye na mapapanood sa GMA Telebabad.

Makakasama nina Alden at Bea ang Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi.

Masayang ibinahagi ni Yasmien na excited na siyang makatrabaho ang mahuhusay na mga artista na parte ng Philippine adaptation ng Start Up.

Kuwento ni Yasmien, “Nung kasagsagan ng lockdown, ito 'yung pinapanood ko talaga... Kaya noong sinabi sa akin ito, na-excite talaga ako.”

Para naman kay Jeric Gonzales, matagal na raw niyang hinihintay ang ganito kalaking proyekto.

Ayon sa report ni Nelson Canlas, si Alden Richards ang mismong nag-recommend kay Jeric bilang isa sa mga bida sa naturang remake.

Kasunod nito, ilang netizens ang excited na sa mga karakter na pagbibidahan ng mga bigating aktor sa kapanapanabik na programang hatid ng GMA-7.

Abangan ang mga karakter nina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales sa nalalapit na pagpapalabas ng Start-Up Philippines sa GMA Telebabad!