
Isang natatanging pagganap mula kay Jeric Gonzales ang dapat abangan sa brand-new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay kasi niya ang kuwento ni Luis, isang piyanista na ipinanganak na bulag.
Sa murang edad, mapait kaagad ang naging karanasan ni Luis dahil inabandona siya ng kanyang ina.
May pamilya naman na kumupkop sa kanya at pinalago ang kanyang talento sa musika.
Nang umibig si Luis sa isang babae, magagawa niyang iwan ang kanyang adoptive family.
Pero imbis na suklian nito ang pagmamahal niya, magiging abusado ito kay Luis.
Paano muling babangon si Luis? Saan siya dadalhin ng talento niya sa pagtugtog ng piano?
Bukod kay Jeric Gonzales, bahagi rin ng episode sina Eula Valdes, Sharmaine Arnaiz, Leandro Baldemor, Analyn Barro, at Jay Arcilla.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "The Blind Pianist: The Luis Abad Story," January 27, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.