
Isang natatanging pagganap ang ipapamalas ni Kapuso actor Jeric Gonzales sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Pangarap at Hustisya: The Jimmy Aguilar Story."
Gaganap si Jeric bilang Jimmy, isang lalaking minsang nangarap maging pulis.
Makikipagsapalaran siya sa Malaysia dahil sa kakapusan ng buhay sa Pilipinas.
Pero dahil sa ilegal na paraan siya pumasok sa bansa, kakaunti din ang magiging oportunidad niya para sa trabaho.
Magiging isang drug runner si Jimmy para sa isang Chinese drug lord.
Anong klaseng buhay ang naghihintay kay Jimmy bilang drug runner sa Malaysia?
Bukod kay Jeric, bahagi rin ng episode sina Lianne Valentin, Tina Paner, Robert Seña, Art Acuña, Joseph Ison, at Travis Clarino.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Pangarap at Hustisya: The Jimmy Aguilar Story," January 10, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.