GMA Logo Jeric Gonzales
PHOTO COURTESY: jericgonzales07 (Instagram)
What's Hot

Jeric Gonzales gears up for daring role in an upcoming movie

By Dianne Mariano
Published January 10, 2026 2:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA: Shear line, amihan to bring rains, thunderstorms to parts of PH
Man who allegedly beheaded 15-year-old girl in Bukidnon nabbed
The times Ashley Ortega slayed with her bangs

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales


Naghahanda na ang Sparkle actor na si Jeric Gonzales para sa daring role niya sa isang pelikula.

Ngayong taon ay maraming nakatakdang proyekto na gagawin ang Sparkle actor na si Jeric Gonzales.

Ayon sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, isa rin sa goals ni Jeric ay ang matutukan ang music at nais niyang makapaglabas ng bagong mga kanta at album.

"'Yung sa music, hopefully concerts soon. 'Yan 'yung mga dream ko e, performing," pagbahahagi niya.

Naghahanda na rin ang aktor para sa isang pelikula kung saan may pagka-daring ang kanyang role. Dahil dito, patuloy ang pagpapaganda ng katawan ng aktor at kabilang sa kanyang New Year's resolution ay ang mas magkaroon ng active lifestyle.

Aniya, "Mas positive 'yung mindset na mas sipagan 'yung workout, And then, more time with my family kasi 'yun 'yung minsan nawawala 'di ba kapag busy na tayo. And then, mas engaging sa mga physical activities outside, like ngayon I'm running na, and gusto ko sana hiking, mga ganyan, outdoor activities."

Bukod dito, gaganap si Jeric bilang isang overseas Filipino worker (OFW) na nakulong sa Malaysia matapos masangkot sa ilegal na gawain sa upcoming episode ng Magpakailanman.

Naging challenging daw para kay Jeric na muling bumida sa isang Magpakailanman episode at aniya'y isa raw ito sa pinakamahirap na karakter na kanyang ginampanan.

"Every scene talaga, napakabigat, napakahirap, challenge talaga sa akin bilang aktor. Pero I'm happy na ako 'yung nabigyan ng opportunity to play this role," pagbabahagi niya.

Panoorin ang "Chika Minute" report sa video na ito.

SAMANTALA, TINGNAN ANG TRANSFORMATION NI JERIC GONZALES SA GALLERY NA ITO.