GMA Logo Jeric Gonzales
Source: GMARegionalTV/IG
What's Hot

Jeric Gonzales, gusto munang mag-focus sa music career

By Kristian Eric Javier
Published May 9, 2023 12:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan denies Jinggoy Estrada's motion to fix bail in plunder case
Pipila ka market vendors, nagpahigayon og lihok-protesta I One Mindanao
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales


Sa pagtatapos ng 'Mga Lihim ni Urduja,' singing career naman ang pagtutuunan ng pansin ni Jeric Gonzales.

Sa pagtatapos ng mythical action series na Mga Lihim ni Urduja, sinabi ng isa sa mga bida nito na si Jeric Gonzales na gusto niya muna mag focus sa music career niya ngayong taon.

“Nag decide ako na mag focus in music kasi that's one of my passion, my first love. Gusto ko makagawa ng single siguro this year or maybe album and concert siguro, sana,” kuwento niya sa kanyang interview sa GMA Regional TV morning show na Mornings with GMA Regional TV.

Dagdag pa nito, “Nakadalawang release na 'ko ng single so hopefully, makapag-release ulit ako with my own written composition, so sana ganun.”

Noong nakaraang taon ni-release ni Jeric ang 'Hihintayin Kita,' isang love song tungkol sa isang taong hinihintay ang tamang tao na mamahalin niya.

Pero kahit gustong mag focus sa kanyang music career, sinabi rin ni Jeric na marami pa siyang gustong ma-discover bilang isang aktor.

“Marami pa akong roles na hindi pa nagagampanan, mga characters. Mostly kasi, ang binibigay din sa'kin is mabait so hopefully, magkaroon ng chance maging masama din minsan,” sabi ng aktor.

Dag dag pa nito, “I'd like to try a lot of characters not only in TV but in films like my last film was 'Broken Blooms,' kung saan nanalo kami ng mga awards, so hopefully masundan pa.”

Nang tanungin siya kung anong klaseng proyekto ang gusto niyang gawin kasama ang girlfriend na si Rabiya Mateo, ang sagot ni Jeric, “Rom-com siguro or siguro action din kasi 'yan ang gusto namin pareho.”

Kwento ni Jeric, “Kasi si Rab, she will have her first show pa dito e, series in GMA, 'yung 'Royal Blood.' So sabi niya, 'pag nag-uusap kami about that, parang nahihiya pa siya, sabi niya, 'kailangan ko pa mag-practice' sabi niya 'kailangan ko pa maging magaling sa acting.'”

Dagdag nito, “Pero sabi ko, 'I'm very excited to have a project with you.' Sana series din, teleserye, and then pelikula, why not.”

Nang kamustahin naman ang relasyon ng dalawa, ang sagot ng aktor ay, “We're good, masaya.”

“Nagtutulungan kami sa isa't isa like ito, busy kami pareho ngayon, may project ako, may project siya, so ayun 'yung nagagawa namin sa isa't isa, tulungan 'yung isa't isa and to support sa lahat ng ginagawa namin,” sabi nito.

SAMANTALA, KILIGIN SA ILANG SWEETEST PHOTOS NINA JERIC AT RABIYA SA GALLERY NA ITO: