Article Inside Page
Showbiz News
Hindi itinanggi ng young actor na si Jeric Gonzales na talagang masaya siya nang malaman na muli silang magtatambal ng co-
Protege winner niyang si Thea Tolentino para sa upcoming Afternoon Prime soap
Pyra: Ang Babaeng Apoy. Sa panayam ng
Startalk kina Jeric at Thea last Saturday, halata ang excitement sa kanilang mga mukha ngayon magbibida na sila sa isang teleserye.

"Sobrang masaya ako kasi, honestly, one week before ko malaman na kasali ako, nalaman ko na may show si Thea. So parang ako, ka-loveteam niya lagi, parang na-disappoint ako na maghihiwalay na kami tapos hindi na kami loveteam," shares Jeric.
Inusisa naman ni Heart Evangelista kung bakit siya malulungkot. "Siyempre iba na rin 'yung samahan naming dalawa," dagdag ng binata.
Si Thea naman, patuloy na nagpapasalamat sa pagkakapili niya para sa title role. "Sobrang honored ako kasi first title role ko 'to and alam po natin na katatapos lang ng
Protege last year, nabigyan agad ako ng ganitong project. Sobrang maraming, maraming salamat po sa GMA kasi pinagkatiwalaan nila agad ako."
Anak ng isang pyrokinetic si Pyra, at namana nito ang abilidad ng kanyang ama na gumawa at mag-control ng apoy. Makakasama nina Jeric at Thea sina Angelu de Leon, Ryan Eigenmann. Gladys Reyes, Polo Ravales, Zandra Summer, Elle Ramirez at marami pang iba.
Directed by Roderick Lindayag,
Pyra: Ang Babaeng Apoy begins on August 26, replacing
Kakambal ni Eliana on GMA Afternoon Prime. --
Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com