
Isa si Sparkle star Jeric Gonzales sa mga aktor na nagsimula ang karera sa pagsali sa beauty pageants. Sa katunayan, ito pa ang ang nagbigay sa kaniya ng kumpyansa upang tuluyang pasukin ang show business.
Binalikan ni Jeric ang naging paglalakbay niya sa March 16 episode ng Fast Talk with Boy Abunda kung saan ibinahagi ng aktor na nagsimula ang lahat sa isang collegiate beauty pageant.
“Actually, Tito Boy, it started noong sumali ako sa Calamba Doctor's College ng Mr. College namin sa nursing. Doon nag-start, and then I won,” pagbabahagi ng aktor.
Ani Jeric, inudyukan siya ng isang propesor sa kanilang college noon na sumali sa mas malawak at malaking pageant.
“And then sabi sa 'kin ng prof ko, parang 'May Ginoong Laguna. Gusto mo mag-join? Andu'n si Alden Richards, naging artista, si Jak Roberto is with Kuya Germs na. Alam mo, pwede ka mag-artista, e.' sabi niyang ganu'n. Parang naging stepping stone ko siya, Tito Boy,” pagbabahagi niya.
KILALANIN ANG IBA PANG AKTOR NA SUMALI RIN SA MALE PAGEANTS SA GALLERY NA ITO:
Aminado si Jeric na introverted at mahiyain naman talaga siya at naging malaking tulong ang pageantry sa kaniya para magkaroon ng kumpyansa sa sarili. Iyon umano ang naging pinakamalaking hakbang ni Jeric papunta sa entertainment industry dahil doon din niya nalagpasan ang pagiging mahiyain.
“The confidence talaga kasi before talaga, introvert ako, mahiyain ako, e. Tapos nu'ng sumali ako du'n, that was the biggest exposure, step. Like nag-bikini ako du'n, Tito Boy, the whole people of Laguna, nanonood du'n kasi Sta. Cruz siya, e, so ang laki ng venue. And then ayun talaga, na-overcome ko siya,” sabi ng aktor.
Ngayon ay namamayagpag na ang karera ni Jeric sa telebisyon at sa pelikula. Sa katunayan, may pagbibidahan siyang baong proyekto, ang Graduation Day na ipapalabas na sa Mrch 25. Bibida rito si Jeric at Elizabeth Oropesa.
Panoorin ang panayam kay Jeric dito: