
Ibinahagi ni Jeric Gonzales sa episode ng Hangout ang ilan sa kanyang mga natutunan habang naka-quarantine.
Ayon kay Jeric nag-iba ang routine niya dahil sa COVID-19 pandemic.
"Ang daming time, e. Abg hirap kasi nitong nangyari sa atin nitong pandemic na 'to, ang dami nating time, sobra."
"Kung dati wala tayong time sa mga bagay-bagay, ngayon, sobra-sobra naman. Ngayon, nasa bahay lang tayo."
Source: jericgonzales07 (IG)
"Ito 'yung naging way para namin para makasama namin ang isa't isa."
Dahil rin sa quarantine, mas marami umanong na-diskubre si Jeric tungkol sa kanyang sarili.
"Mas marami kang nadiskubre. Ako, nag-aral ako ng music, na-enhance ko pa. Na-recharge ako, na-refresh ako sa resting day sa quarantine."
Mapapanood si Jeric sa Magkaagaw kasama sina Klea Pineda, Sunshine Dizon at Sheryl Cruz.
Artist Collab: Jeric Gonzales, naghamon ng "Face the Cookie" challenge! | Game Night
IN PHOTOS: Celebrity body transformations during the quarantine