GMA Logo Jeric Gonzales
Courtesy: royce.cabrera (IG)
What's on TV

Jeric Gonzales, masayang makatrabaho sina Royce Cabrera at Boy 2 Quizon sa 'Start-Up Ph'

By EJ Chua
Published July 6, 2022 6:29 PM PHT
Updated August 29, 2022 9:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales


Jeric Gonzales: “Naging close talaga kami nina Royce at saka ni Boy 2.”

Ngayong taon, mapapanood na sa GMA ang Philippine adaptation ng hit Netflix Korean series na Start-Up, kasunod ng official announcement tungkol dito ay ipinakilala na rin ang cast nito na kasalukuyang abala sa kanilang taping.

Ang Start-Up Ph ay pagbibidahan nina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.

Nito lamang July 5, nakapanayam ng GMANetwork.com si Jeric at ibinahagi nito ang ilang experiences niya habang katrabaho ang ilang supporting actors ng show tulad na lamang nina Royce Cabrera at Boy 2 Quizon.

Kuwento ng aktor, “Dito ako pinaka-excited… noong pinanood ko 'yung Start-Up, 'yung Korean version, ang ganda ng chemistry nila, para silang magkakapatid… magkakaibigan sila na nangangarap. Nakakatanggal ng stress kapag pinapanood. So, nung ginagawa na namin 'to, sobrang saya. Naging close talaga kami nina Royce at saka ni Boy 2. I'm excited na mapanood ng mga tao 'yung mga ginawa naming kalokohan doon na sobrang saya.”

Mapapanood ang Kapuso actor na si Jeric sa Start-Up Ph bilang si Davidson "Dave" Navarro (Nam Do-san). Samantala, si Royce at Boy 2 naman ay makikilala bilang sina Jefferson "Jeff" Katipunan (Kim Yong-san) at Wilson Espiritu (Lee Chul-san).

Sina Jeric, Royce at Boy 2, ang magkakaibigan na founders ng Three Sons Tech na kalaunan ay makakasama nina Bea Alonzo at Yasmien Kurdi na gaganap bilang magkapatid na sina Dani at Ina.

Samantala, silipin ang behind the scenes ng Start-Up Ph sa gallery na ito.