GMA Logo Jeric Gonzales and Sheryl Cruz
What's on TV

Jeric Gonzales, na-in love nga ba nang totohanan kay Sheryl Cruz?

By Cherry Sun
Published March 12, 2021 10:06 AM PHT
Updated March 13, 2021 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales and Sheryl Cruz


Maliban sa rebelasyon tungkol sa 'Magkaagaw' co-stars, may aaminin din si Yasser Marta tungkol sa isang Kapuso actress! Abangan 'yan sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo, March 14!

Magsasalita na si Jeric Gonzales tungkol sa kumakalat na balita na totoong nahulog na ang kanyang loob sa kanyang Magkaagaw co-star na si Sheryl Cruz. Isa lang 'yan sa mga rebelasyong dapat abangan sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 14.

Si Jeric at Yasser Marta ang special guests nina Boobay at Tekla sa kanilang programa. Ang dalawa sa hottest Kapuso leading men ngayon, mapapasubo sa segment na 'May Pa-PressCon.'

Paaaminin kasi si Jeric sa real score nila ni Sheryl. Samantala, mapapaamin din si Yasser tungkol sa isang Kapuso actress na kanyang sinubukang ligawan.

Matapos ma-hot seat, maglalaro naman sina Jeric at Yasser sa fun trivia game na ''Wag na 'Wag Mong Sasabihin.' Kasama nila sa kulitan ang The Mema Squad na kinabibilangan nina Pepita Curtis, Ian Red, Skelly Clarkson at Krissy Achino.

Mapapanood din ang 'Dear Boobay and Tekla' kung saan magbibigay ng payo ang fun-tastic duo at The Mema Squad tungkol sa isang letter sender na hindi pa ulit naligo sa loob ng dalawang taon.

Tuloy-tuloy ang laugh trip kahit may krisis! Tutok na sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, March 14, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!

Silipin kung bakit nangunguna sina Boobay at Tekla sa komedya sa gallery na ito: