GMA Logo Jeric Gonzales
What's on TV

Jeric Gonzales says he's happy to work with Alden Richards, Bea Alonzo, and Yasmien Kurdi

By EJ Chua
Published July 15, 2022 6:50 PM PHT
Updated August 29, 2022 9:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Gonzales


Jeric Gonzales, natupad ang pangarap na makatrabaho ang co-stars niya ngayon sa 'Start-Up Ph.'

Sa nalalapit na pagpapalabas ng Philippine adaptation ng hit Netflix Korean series na Start-Up sa GMA Telebabad, isa sa inaabangan ng marami ay ang role ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Mapapanood si Jeric sa Start-Up Ph bilang si Davidson “Dave” Navarro (Nam Do-san) ang matalinong binata ngunit walang sapat na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo.

Sa naging exclusive interview ng GMANetwork.com sa aktor kamakailan lang, nagpasalamat siya sa GMA sa bagong proyektong kaniyang pagbibidahan.

Kasunod nito, ikinuwento niya rin na noong nagsisimula pa lamang daw siya sa show business ay pinangarap niyang makatrabaho ang co-stars niya ngayon na sina Alden Richards, Bea Alonzo, at Yasmien Kurdi.

Ayon sa award-winning actor, “I'm thankful to GMA of course na ako 'yung napili nila. And to my co-stars, ito na 'yung chance ko na makasama sila. I've been dreaming of this talaga.”

Bukod sa kaniyang co-lead stars, masaya rin ang Kapuso hunk na makatrabaho sina Royce Cabrera at Boy 2 Quizon.

Sina Jeric, Royce, at Boy 2 ay mapapanood sa upcoming drama series bilang magkakaibigan na magiging founders ng Three Sons Tech.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG 'START-UP PH' SA GALLERY NA ITO: