
Nilinaw ni Sparkle actor Jeric Gonzales na single siya ngayon.
Sa report ng 24 Oras, sinabing single ang aktor pero busy ito at kabilang sa kanyang pinagkakaabalahan ay ang pelikulang Graduation Day.
Ayon kay Jeric, sobrang nakaka-relate siya sa kanyang role sa pelikula. Maraming kabataan din daw ang mai-inspire sa Graduation Day para magpursige sa kanilang pag-aaral.
"Naka-relate ako kasi, nung college ako naranasan ko rin 'yung mga naranasan ni Simon. Ang hirap, ang hirap. But then, kapag natapos mo 'yung course mo, like ako natapos ko 'yung nursing, very fulfilling talaga," sabi ng aktor.
Mapapanood ang Graduation Day simula March 18 sa mga sinehan. Kasama ni Jeric sa pelikula sina Elizabeth Oropesa, Simon Ibarra, Rico Barrera, Angellie Sanoy, at Aidan Veneracion. Ito ay mula sa direksyon ni Dante Balboa.
Related content: Jeric Gonzales and Rabiya Mateo's sweetest photos