GMA Logo jeric gonzales ordinary song cover
Celebrity Life

Jeric Gonzales spends quality time with dad; sings Marc Velasco's 'Ordinary Song'

By Cara Emmeline Garcia
Published March 26, 2020 12:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

jeric gonzales ordinary song cover


Kinanta ni Jeric Gonzales ang Marc Velasco hit na 'Ordinary Song' kasama ang kanyang ama.

Ngayong nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon, marami sa ating Kapuso stars ang ginagamit ang oras para makipag-bonding sa kani-kaniyang pamilya.

Kabilang na diyan si Magkaagaw actor Jeric Gonzales na naka-bonding ang kanyang ama sa latest song cover niya sa Instagram.

Sa video post ni Jeric makikita ang kanyang ama na tumutugtog ng keyboard habang siya naman ang kumakanta ng “Ordinary Song” ni Marc Velasco.

Sulat ni Jeric, “Quality time with pops.”

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07) on

Laki naman ang tuwa ng mga tagahanga ni Jeric na napabilib sa kanyang singing voice at sa galing ng ama na magpatugtog ng keyboard.

Mga Kapuso, kung nami-miss niyo na si Jeric sa Magkaagaw, mapapanood niyo pa rin ang full episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.

Jeric Gonzales rekindles with his old love during enhanced community quarantine

Jeric Gonzales dedicates new single to late grandmother