Article Inside Page
Showbiz News
Aniya, itinuturing niyang isang malaking biyaya ang naturang Afternoon Prime show.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Malaki ang pasasalamat ni Kapuso actor Jeric Gonzales na humaba pa ang role niya bilang Vince sa afternoon series na 'Destiny Rose.' Sa pagkakaalam niya kasi ay sa first few episodes lamang siya lalabas.
"Kasi 'di ba, na-busted siya? After nun, dahil nasaktan ko siya, dapat wala na ako," kuwento ni Jeric sa GMANetwork.com during the Christmas station ID shoot.
Aniya, itinuturing niyang isang malaking biyaya ang naturang Afternoon Prime show.
"Sobrang blessing sa akin ito after 'Pari 'Koy.' Since nag-audition ako dito at hindi ako natanggap, bibigyan nila ako ng cameo role as Vince, 'yung kaibigan niya [Destiny Rose]. Tapos ayun, after one week, nagulat ako sa mga feedback nila na bagay daw kami, kaya ni-regular na nila."