
Mapupuno ng kulitan at good vibes ang Sunday night ng mga Kapuso dahil sa nonstop na tawanan at kulitan na hatid ng TBATS On The Go!
Abangan mamayang gabi ang Kapuso stars na makakakulitan ng ating comedy duo—sina Jeric Gonzales, Yasser Marta, at Faye Lorenzo.
Ngayong Linggo, March 22, magtutungo ang hosts na sina Boobay at Tekla, kasama ang ating special guests, sa tinaguriang Garments Capital of the Philippines, Taytay, Rizal.
Exciting na mga kuwelang palaro ang hindi dapat palampasin mamayang gabi, na siguradong magbibigay saya sa mga manonood.
Subaybayan ang TBATS On The Go! mamayang 10:05 p.m., sa GMA at Kapuso Stream.