GMA Logo jeric raval aljur abrenica aj raval
Photo source: FTWBA
What's on TV

Jeric Raval, kinumpirmang dalawa na ang anak nina AJ Raval, Aljur Abrenica

By Karen Juliane Crucillo
Published September 30, 2025 6:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Kevin Durant 8th to 31,000 points as Rockets sink Suns
#WilmaPH spotted over coastal waters of Sulat, Eastern Samar
This family weekend workshop features experts to elevate Filipinos' kitchen and dining holiday traditions

Article Inside Page


Showbiz News

jeric raval aljur abrenica aj raval


Boto raw si Jeric Raval kay Aljur Abrenica para sa kanyang anak na si AJ Raval.

Bilang isang mapagmahal na ama, nanatiling suportado ng action star na si Jeric Raval ang lovelife ng kanyang anak na si AJ Raval.

Sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Martes, September 30, ibinahagi ng aktor ang lagay ng relasyon nina AJ at Aljur Abrenica).

“Okay naman. In fact, two nights ago, nandoon ako sa bahay sa Angeles,” ikinuwento ng aktor.

Dagdag pa niya tungkol kay Aljur, “Happy naman sila. Hindi naman papasa sa akin, hindi naman papasa sayo kung no good.”

Kinumpirma rin ni Jeric na mayroon ng dalawang anak sina AJ at Aljur, na aksidente niya raw nasabi sa isang press interview ng kanyang pelikulang Mamay: A Journey to Greatness. Nilinaw nito na babae ang panganay ng dalawa at lalaki naman ang bunso.

“Di ko naman puwede i-deny. Panget naman, mukha akong sinungaling noon,” paliwanag nito.

Inamin din ni Jeric na noong pumutok ang balitang buntis ang kanyang anak, ito ay hindi totoo.

Noong unang balita-balita, wala 'yun, hindi totoo. Yung panahon na hindi na pinag-uusapan, doon ko naman nasabi,” aniya.

Na-link si AJ kay Aljur noong 2021, matapos ang hiwalayan nina Aljur at Kylie Padilla.

Sa ngayon ay maayos na nagko-co-parent ang dating mag-asawa sa dalawa nilang anak na sina Alas at Axl.

Samantala, kilalanin dito ang anak ni Jeric Raval na si AJ Raval: