GMA Logo Jeric Raval and AJ Raval
Photo by: Screenshot from Kay Susan Tayo! Vlogs; AJ Raval (IG)
What's Hot

Jeric Raval, may reaksyon sa mga nagsasabing anak niyang si AJ ang sumalo ng kanyang karma

By Aimee Anoc
Published July 29, 2026 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Link of confidential funds to encashed checks yet to be established —impeachment spox
Provincial routes nga PUV, dili na makalahos sa Downtown CDO I One Mindanao
Makati's Problem Child is PH's best bar for 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jeric Raval and AJ Raval


"Hindi naman totoo 'yung karma. Wala no'n. There's no such thing as karma." - Jeric Raval

Hindi naniniwala ang batikang action star na si Jeric Raval sa karma.

Sa interview sa award-winning journalist at news reporter na si Susan Enriquez para sa Kay Susan Tayo! Vlogs, nagbigay ng reaksyon si Jeric sa mga nagsasabi na ang anak na si AJ Raval ang sumalo sa karma niya sa pagkakaroon ng iba-ibang babae.

"Hindi naman totoo 'yung karma," sabi ng aktor. "Wala non. There's no such thing as karma. Ako kasi, ang pinaniniwalaan ko lang, laman ng Bibliya. Umpisahan mo hanggang matapos ang Bibliya, hindi mo makikita 'yung salitang karma."

Binalikan din nina Susan at Jeric nang maging sentro ng kontrobersiya si AJ tungkol sa hiwalayan noon nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

"Sabi ko, parte talaga ng buhay ng artista 'yan. Hindi kasi siya sanay sa ganoon e. Pagdating sa mga namba-bash, weak 'yung anak ko sa ganu'n. Dinidibdib niya. Kaya tumigil 'yan sa pag-aartista pansamantala," kuwento niya.

Nagbigay rin ng reaksyon ang aktor sa mga nagsasabi na kinonsente niya ang relasyon nina AJ at Aljur

"Ako kasi, pagdating sa buhay pag-ibig ng mga anak ko, lalo na 'yung babae, hindi ko saklaw 'yan. Hindi ko pinapakialaman 'yan. Ang puwede ko lang ibigay na advice, 'Anak, sino ba 'yan? Kilala mo ba 'yan? Taga-saan ba 'yan?' Ganu'n lang e,” pahayag nya.

"Kay Aljur kasi that time, hindi ko rin masyadong kilala. Sabi ko, gusto ko lang makausap. Tinanong ko lang, kasal ka ba? 'Opo.' Hiwalay ka ba? 'Hiwalay po ako.'”

Nang tanungin kung may nakita ba siyang mali sa relasyon nina AJ at Aljur, sagot niya, "Para sa dalawang taong nagmamahalan, wala namang mali doon. As long as wala lang nasasagasaan.”

"Nu'ng una, syempre, nag-iisip-isip din ako. Kaya lang 'yung anak ko, sabi ko nga, hindi ko saklaw 'yan. Ayoko namang magkasiraan kami ng anak ko dahil lang sa masyado na akong nanghihimasok," dagdag pa niya.

Ayon kay Jeric, "okay naman" ang relasyon niya ngayon kay Aljur. Sabi niya, "Makita ko lang 'yung tao na mayroon siyang sense of responsibility, okay na ako doon."

Nilinaw rin ni Jeric na hindi totoo ang mga usap-usapan na kinausap niya si Kylie para mag-file ng annulment. "Hindi ko pa nga nakikita 'yon sa personal. [Tawag], hindi rin. Alam mo naman sa social media, ang daming fake news."

Panooring ang buong interview ni Jeric Raval sa Kay Susan Tayo! Vlogs dito:

Related Gallery: Jeric Raval, hinimok si AJ Raval na umamin tungkol sa mga anak: 'Para
matapos na'