What's Hot

Jericho Genaskey Aguas, nasa Qatar na para suportahan ang ex-wife na si Isabel Granada

By Cherry Sun
Published November 1, 2017 1:37 PM PHT
Updated November 1, 2017 2:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P1.224-M worth of illegal firecrackers seized ahead of New Year revelry – PNP
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Basahin ang kaniyang buong statement.   

Kasalukuyang nasa Qatar ang dating asawa ni Isabel Granada na si Jericho Genaskey Aguas para magbigay ng tulong at suporta sa patuloy na pagpapagaling ng aktres.
 
Ipinamalita ni Jericho sa kanyang Facebook na agad siyang tumulak patungong Qatar nang makuha ang kanyang visa. Dito ay nilinaw din niyang hindi niya nais pangunahan ang partner ngayon ni Isabel na si Arnel Cowley, ngunit naroon siya para na rin sa anak nila ng aktres na si Hubert at para kay Mommy Gwapa.
 
Aniya, “I am in constant communication with Isabel’s current partner, Arnel, and told him for the record that I have no intention stepping on his shoes (if ever he feels uncomfortable with me being thre). I am there for my mag-lola (Hubert is only 14). And of course, to contribute whatever I can for the revival and recovery of Isabel.”
 
Sa parehong post ay nagpasalamat din siya pag-unawa ng kanyang current partner na si Jaycee Parker. Nanawagan din siyang ipagpatuloy ang pagdarasal para kay Isabel.


Jericho Genaskey Aguas (FB) 

Isang linggo nang nasa state of coma si Isabel dulot ng aneurysm at cardiac arrest.