
Sunod-sunod ang life update ngayon ng aktor na si Jericho Rosales sa social media tungkol sa adjustment nila ng kanyang asawa na si Kim Jones sa bagong bahay at bagong buhay nila sa New York City.
Sa Instagram, ipinost ni Jericho ang ilang mga larawan nila ni Kim na naninibago pa sa kanilang bagong tinitirhan kalakip ang kwelang caption.
Aniya, "Sa Bagong Haybol Sa Big Apol.
"Kim on google maps: saan ang palengke…?
"Me sa bintana: anong oras dadaan ang taho?."
Sa hiwalay na post, ibinahagi pa ng aktor ang video habang siya ay naghuhugas ng plato na ginagawa niya rin daw noon sa Pilipinas at ang larawan kung saan siya ay nagsalang ng labahan sa isang washing machine na sa New York niya lang ulit nagawa.
Nagkomento at pinusan naman ang mga posts na ito ni Echo ng kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Kapuso actresses Bea Alonzo at Jasmine Curtis-Smith.
Taong 2014 nang ikasal sina Jericho at Kim sa isla ng Boracay. Ilang taon matapos ang kasal ay ine-eenjoy pa rin ng dalawa ang buhay mag-asawa bago ang plano na magkaroon na ng anak.
Samantala, kilalanin naman ang ilang celebrities na piniling iwan ang showbiz career sa Pilipinas upang manirahan abroad sa gallery na ito.