
Nakakuha ng mahigit 100,000 likes ang Instagram post ng versatile TV-movie actor na si Jericho Rosales patungkol sa kaniyang anak na si Santino.
Makikita sa post ng Kapamilya actor ang kuha niya kasama ang anak at nakakaantig na caption kung saan sinabi nito na labis niyang mahal si Saint.
Post ni Jericho, “Saint. My compass. My rock. Voice of truth. Tropa. Kaagaw ko sa steak. Love you, pogs.”
Dagdag ni Echo, “I'm having a soft day. Take it or leave it.”
Ilang celebrities naman ang napa-react sa sweet message ni Jericho para kay Santino tulad ni Denise Laurel na sinabing, “It's the soft day for me. Parent things”
Noong December 2023, ipinagdiwang ni Santino ang kaniyang 23rd birthday. Anak siya ni Jericho sa dating partner na si Kai Palomares.
TINGNAN ANG ILANG PHOTOS NI SANTINO SA BABA: