GMA Logo Jericho Rosales and Janine Gutierrez
Source: jerichorosalesofficial (IG)
What's on TV

Jericho Rosales, nakilala at pinasalamatan ng mga tao sa Tanzania, Africa

By Kristian Eric Javier
Published October 15, 2025 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Start of Traslacion to Lapu-Lapu City
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Jericho Rosales and Janine Gutierrez


Marami ang nakakilala kay Jericho Rosales sa Tanzania nang bumisita sila ni Janine Gutierrez sa bansa.

Naging espesyal ang pagbisita ng celebrity couple na sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez sa Tanzania, East Africa kamakailan. Bukod kasi sa tatlong uri ng selebrasyong ipinagdiriwang nilang dalawa, career milestone din umano ito para sa aktor.

Sa pagbisita ni Jericho sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 14, kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang pagpunta ng dalawa sa Tanzania. Pagabahagi ng aktor, “big three” ang ipinagdiwang nila sa pagpunta sa naturang bansa.

“Big three 'yun, anniversary, birthday ko, birthday niya, and she's very generous about her time and then when I said that 'It's been my dream to go to Serengeti, would you come with me?' and she said 'Yeah, let's go, as long as you go to Cape Town after,'” pagbabahagi ni Jericho.

Ani Jericho, very humbling at life changing din ang pagpunta nila sa Africa, at sinabing malaking milestone iyon ng kaniyang buhay.

TINGNAN ANG ILANG PANG-MR. POGI LOOKS NI JERICHO SA GALLERY NA ITO:

Dahil dito, tinanong ng batikang host kung papaano niya nasabing milestone ang pagpunta nila ni Janine doon. Kuwento ni Jericho, ibinenta sa bansa ang rights ng mga seryeng pinagbidahan niya noon na Pangako Sa 'Yo at Sana'y Wala Nang Wakas para maiplabas doon.

I tried my best to not say, maybe Tanzania would not be a great destination to visit because it might be a work visit. But when I got there, the moment I landed sa airport, tinawag ako ng immigration person, pinabalik ako, 'You are the actor,'” saad ni Jericho.

Dagdag pa ni Jericho, mula airport hanggang makarating sila ng Serengeti ay tinuturo siya ng mga lokal at pinapasalamatan. Nang tanungin niya umano kung bakit siya pinapasalamatan ng mga ito, ang sagot sa kaniya, “It is the first show that we watched in 2008 that has changed our viewing situation and we relate to your show so much.”

“And I was so proud and I was like, 'This is what I was trying to avoid?' and I embraced it, and I said, 'This is why I do soap operas and teleseryes, this is why I do what I do, because I touched, we touched people's lives,” sambit ni Jericho.

Masarap din umano sa pakiramdam na nandoon si Janine para makita iyon at suportahan siya.