GMA Logo Jericho Rosales and Janine Gutierrez
What's on TV

Jericho Rosales paano inilarawan ni Janine Gutierrez bilang boyfriend

By Kristian Eric Javier
Published October 15, 2025 3:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Jericho Rosales and Janine Gutierrez


Alamin kung paano nga ba bilang boyfriend si Jericho Rosales kay Janine Gutierrez dito.

Ayon kay Quezon actor Jericho Rosales, siya ay isang "amazing boyfriend" kay Janine Gutierrez. Saad ng aktor, sa kaniyang girlfriend na rin mismo nanggaling ang paglalarawan na ito.

Sa pagbisita ni Jericho sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, October 14, ipinahayag ng aktor kung gaano siya kasuwerte na maging boyfriend ni Janine dahil sa suporta at pagmamahal nito sa kaniya.

Kaya naman, tanong ni King of Talk Boy Abunda, “Kumusta ka bilang boyfriend?”

“I think I'm an amazing boyfriend. She says that all the time, she says that 'I'm so lucky,'” saad ni Jericho.

Aminado naman si Jericho na hindi siya perpekto bilang isang boyfriend at naging patunay ang dati niyang mga girlfriends dito. Marami na rin siyang mga pagkakamaling nagawa, at nahingi na niya iyon ng sorry. Ngunit paglilinaw ng Quezon star, natuto na siya sa mga pagkakamali na 'yun.

“I think right now, I'm pouring all of the lessons into this relationship. Janine is the recipient of my humility, my honesty, and my excitement for sharing great things together. And the maturity, I think 'yun 'yun. That's why, maybe, she enjoys the 10-year gap,” sabi ng aktor.

TINGNAN ANG PAGBABALIK TANAW NI JERICHO SA HIGHS AND LOWS NG KANIYANG BUHAY SA GALLERY NA ITO:

Samanata, ibinahagi rin ni Jericho na wala sa kanila ni Janine ang seloso.

“I'm so lucky 'cause she's also a great actress and we both know and understand our jobs. We don't like that energy,” sabi ng aktor.

Panoorin ang panayam kay Jericho dito: