
Nag-final bow na sa StarStruck season 7 ang isa sa mga Artista Hopefuls nitong July 21.
Sa ginawang sindakan artista test ng Final 12, si Jerick Dolormente ang nakakuha ng lowest combined score mula sa council at sa viewers. Dahil dito ay tuluyan nang nagtapos ang kanyang artista journey sa StarStruck.
Naalis man si Jerick ay thankful naman umano siya sa mga taong nakasama niya sa StarStruck.
Saad niya, "Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta sa akin lalong-lalo na po sa mga staff, sa council po, sa mga fans ko po, at sa family ko po."
Dagdag pa ni Jerick ay babaunin niya ang lahat ng mga aral na nakuha niya sa kanyang naging artista journey sa StarStruck.
"Yung mga natutunan ko po dito, babaunin ko po 'yun. Laban lang po!"