
Itinuturing ng direktor na si Jerry Lopez Sineneng na katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap ang paggawa niya ng sexy film na Rita sa Vivamax.
Kilala na ang naturang direktor sa kanyang husay sa pagdirek ng drama movies at TV series, pero ito ang unang pagkakataon na gagawa siya ng may halong sexy theme.
Kaya naman nang kumustahin ang kanyang naging experience sa Rita, sagot ni Direk Jerry, “Masarap, fulfilling for me.”
Nakausap ng entertainment media, kasama ang GMANetwork.com si Direk Jerry at ang mga aktor ng Rita sa ginanap na media conference nito kamakailan.
Kasunod nito ay inalala ni Direk Jerry ang isa sa mga hinahangaan niyang direktor, ang yumaong si Peque Gallaga.
Aniya, “Yung totoo lang, noong nakita ko yung Scorpio Nights of my tatay, Peque Gallaga.
“Sabi ko, 'Sana makagawa ako na parang Scorpio Nights.' Hindi naman ikinakahiya ni Direk Peque, sobrang proud pa nga siya doon. Sana lang makagawa ako ng isang sexy na something I'll be proud of.
“Thank God, I'm proud of Rita. Lahat ng mga katrabaho ko rito sa post, nakatrabaho ko rin sa mainstream. Honest sila sa akin, maganda raw ang Rita. Nandoon pa rin daw ang Jerry Sineneng, kasi sexy drama siya, so nandun pa rin daw puso. Yun naman ang gusto ko, hindi lang hubaran nang hubaran.”
Tinanong ng GMANetwork.com si Direk Jerry kung may pagkakaiba ba ang naging experience niya sa mga nauna na niyang ginawang pelikula.
Sagot nya, “Actually, pareho rin siya. The only difference are the sex scenes. Pero yung commitment and the work required of me, yung tutok, ginagawa ko siya sa TV at sa films.
“Parehong-pareho lang po talaga ang kailangan, yung hinihingi niyang commitment and work from me. Ang pinagkaiba lang talaga niya is may sex scenes ito.
“Pero pelikula rin po siya na buo ang istorya at may emosyon. Meron lang budbod ng sex scenes na wala sa mga ginawa ko.”
Kung meron man daw siyang pinaghandaan nang husto, ito ang heavy drama scene sa Rita.
Paglalahad ni Direk Jerry, “Yung highlight po ng pelikula is about six pages sa script, yun pinaghandaan ko yun. Sabi ko nga kay Ricky, 'Ricky, sinulat mo naman ito pang-Marlon Brando, Meryl Streep.'
“Kinarir namin, nahirapan kaming lahat, at nagawa naman nang maayos. Pinaghandaan ko talaga yun kasi kahit sa pelikula, bihira ako maka-encounter ng six pages na confrontation.”
Dahil ito ang unang pagkakataon, ibinuhos na raw ni Direk Jerry ang lahat para makagawa ng isang magandang pelikula.
Sabi niya, “Proud ako rito kasi, number one, it's my story. Then, I asked Mr. Ricky Lee to write it. He did it beautifully. Then, ang creative producer po namin is si Direk Mac Alejandre. First ko nga ito, so I gave it my best. Sabi ko, 'Ito na yun!'”
Patuloy pa niya, “To be honest, may fear nga ako kasi mayroon nga siyang stigma. Siyempre, nanood ako ng mga pelikula and madaming magagandang pelikula.
“Sa totoo lang po, ang daming magaganda. May mga napapanalunan nan gang awards si Direk Mac na napapanalunan abroad for his Vivamax films.
“So, sana dumating ang araw na mabura ang perception ng karamihan na ang Vivamax ay walang katapusang hubaran lang siya. Maraming projects ang Vivamax na nakaka-proud din naman. I mean, art film. Hindi siya puchu-puchu lang.”
Ang Rita ay pabibidahan nina Christine Bermas, Victor Relosa, Josh Ivan Morales, at Gold Aceron.
Bukod sa Rita, kasalukuyan ding napapanood ang TV series na idinirehe ni Direk Jerry, ang Love. Die. Repeat., sa GMA Prime.
Nabanggit din niya na magkakaroon siya ng bagong teleserye at pelikula sa GMA Network.
SAMANTALA, TINGNAN ANG 'HOT AND WILD' TWO-NIGHT MANILA SHOW NG MAGIC MEN AUSTRALIA RITO: