GMA Logo jesi corcuera
Source: TiktoClock
What's on TV

Jesi Corcuera, excited nang isilang ang kanyang magiging anak

By Aedrianne Acar
Published October 21, 2024 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

jesi corcuera


Sa pagsalang ni Jesi Corcuera sa “Quizmosa” game ng 'TiktoClock,' nausisa siya tungkol sa kanyang pagbubuntis. Panoorin dito:

Bumisita ang soon-to-be daddy na si Jesi Corcuera sa bagong segment ng Ticktoclock na “Quizmosa.”

Dito, nagkuwento ang proud transman ng ilang detalye ng pagbubuntis niya sa kaniyang baby girl.

Lahad ng StarStruck alumnus na gusto raw talaga niya magkaroon ng sariling anak.

“Siyempre, na-imagine ko lang din kung ano 'yung hitsura ni Little Jessi. 'Tapos mas masarap din, 'tsaka para maging masaya rin 'yung mother ko rin, kasi wala pa siyang apo. First apo, e.”

RELATED CONTENT: JESI CORCUERA'S PREGNANCY JOURNEY

Samantala, naunang ikinuwento ni Jesi sa panayam sa kaniya ni GMA Integrated News showbiz reporter Lhar Santiago na kilala at nakausap na niya ang sperm donor niya na isang Dutch.

Handa na ba siyang ipaliwanag sa kanyang magiging anak kung paano niya ito isinilang?

Sagot ni Jesi, "Hindi ko pa siya naisip ngayon, parang more on gusto ko munang mag-focus sa amin dalawa, sa amin ng family namin ni Camille. So, doon muna siguro pero kung kukuwestunin niya in the future, well, willing naman akong ipakita sa kanya and explain sa kanya kung paano 'yun naging proseso kasi mas maganda pa rin na alam niya,"

Panoorin ang guest appearance ni Jesi Corcuera sa Ticktoclock sa video na ito: