GMA Logo Jessa Mae Gallemaso and Lance Fabros
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Jessa Mae Gallemaso at Lance Fabros, lalaban para sa grand champion ng 'Tanghalan ng Kampeon' season 2

By Maine Aquino
Published November 19, 2024 12:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Anton Vinzon reacts to fan ship with Carmelle Collado
Young students showcase math skills in Mangaldan
Marian Rivera's Italian designer bag completes her pink outfit

Article Inside Page


Showbiz News

Jessa Mae Gallemaso and Lance Fabros


Sina Jessa Mae Gallemaso at Lance Fabros ay magpapatuloy sa grand finals ng 'Tanghalan ng Kampeon' season 2 sa 'TiktoClock!'

Nagtagumpay sa Huling Banggaan ng Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock sina Jessa Mae Gallemaso at Lance Fabros.

Ngayong November 19, nakatapat ni Jessa Mae Gallemaso si Alvin Ortega sa Tanghalan ng Kampeon season 2. Samantala, nagtapat naman sa kantahan sina Lance Fabros at Chito Ricafrente. Sa huli ay nagtagumpay sa kanilang performance sina Jessa at Lance.

Si Jessa ay nagkamit ng 15 stars, samantalang si Lance ay nakakuha ng 14 stars at napabilib ang inampalan na sina Renz Verano, Hannah Precillas, at Daryl Ong. Sila Jessa at Lance ay ang makakasama ni Trixie Dayrit sa laban para sa titulong ng Tanghalan ng Kampeon season 2 grand champion.

Tanghalan ng Kampeon season 2 grand finals

PHOTO SOURCE: TiktoClock

Inilahad ni Jessa Mae na masaya siyang makakapagpapatuloy ng kaniyang laban sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon season 2.

"Sobrang saya ko po dahil napagtagumpayan ko ang araw na ito. Thank you kay Lord at siyempre sa mga inampalan po."

Hindi naman makapaniwala si Lance na siya ang isa sa mga magpapatuloy sa grand finals ng Tanghalan ng Kampeon season 2.

Ani Lance, "Hindi pa rin po ako makapaniwala. Thank you, Lord."

Abangan kung sino ang susunod kina Jessa Mae at Lance sa laban para sa titulong grand champion ng Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock.

Ang grand champion ng Tanghalan ng Kampeon season 2 ay mag-uuwi ng PhP 500,000, grand champion trophy, at over PhP 400,000 worth Fujidenzo appliances.

Iboto ang Kampeon mo sa Tanghalan ng Kampeon season 2 ng TiktoClock para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000! Bisitahin ang www.gmanetwork.com/TiktoclockKAMPEONKOYAN at tumutok sa TiktoClock sa November 18 hanggang 21.

BALIKAN ANG MGA GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON SEASON 2: