What's on TV

Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado, proud parents kay Jada

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Power outage hits Puerto Galera on Black Saturday
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



Sa isang nakakatuwang episode ng 'Sarap Diva', ibinahagi ng mag-asawang Dingdong at Jessa kay Regine Velasquez ang kanilang mga experiences sa US at ang napipintong pagpasok ng kanilang anak na si Jayda sa mundo ng musika.
By ANN CHARMAINE AQUINO

Alam ng lahat na nagpunta sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado sa US, ngunit ang hindi alam ng nakararami ay ang kanilang pamamalagi roon ay para sa ating mga kababayan. Sa isang nakakatuwang episode ng Sarap Diva, ibinahagi ng dalawa kay Regine Velasquez ang kanilang mga experiences sa US at ang napipintong pagpasok ng kanilang anak na si Jayda sa mundo ng musika.

Sina Dingdong at Jessa ay nanirahan sa States for three and a half years. Ani ni Dingdong, “Nag-tour kasi kami ni Jessa one time and then sabi nila bakit hindi ninyo i-reach ang America? Mag-perform kayo sa iba't-ibang Filipino communities. Mahirap 'yung pabalik balik. So we have decided na straight kami [mamalagi doon] or mag-perform kami sa Filipino communities doon. That's how we decided na tignan natin kung how the life in States will be.”

Bumalik umano ang dalawa nang sila ay magkaroon ng sunod sunod na offers sa Pilipinas. Kasama na rito ang soap ni Jessa sa GMA Network. Hindi naging madali ang kanilang pagbabalik dahil pareho silang nag-gain ng weight sa kanilang paninirahan sa ibang bansa kaya sabay silang nag-diet at exercise bago bumalik sa bansa.

Ibinahagi rin ng dalawa na nagsisimula nang ma-enganyo ang kanilang anak na si Jayda sa music. Pagbabahagi ni Dingdong, “Jayda asked for a concert and created her own list of songs for her 9th birthday.”

Kuwento ni Jessa, hindi naman daw nila pinepressure ang kanilang anak sa music. Aniya, “Kami gusto namin maging magulang na hindi namin ipu-push talaga 'yung anak namin. At saka walang pressure kahit sinasabi na singers kami, kahit kami si Dingdong and Jessa, hindi namin ipu-push na kailangan maging katulad sya namin.”

Ngayong 11 years old na si Jayda, kaya na umano nitong mag-piano habang kumakanta. Kasabay nito, nais din raw niyang matuto sa songwriting, tulad ng kanyang idolong si Taylor Swift.