GMA Logo Jessa Zaragoza in Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento
What's on TV

Jessa Zaragoza, muling mapapanood sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published December 10, 2025 12:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang bahay, nawasak at tinangay ng rumaragasang baha dulot ng thunderstorm
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Jessa Zaragoza in Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento


Mga Kapuso, let's welcome back Deedee Kho (Jessa Zaragoza)!

Matinding “KHO-LLAB” ang hatid ng award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Kapaskuhan dahil isa sa mga beloved characters ang magbabalik.

RELATED GALLERY: THROWBACK PHOTOS NG PEPITO MANALOTO CAST

Inanunsyo na ng flagship sitcom ng GMA-7 na makakasamang muli sa show ang “Phenomenal Diva” Jessa Zaragoza na gumaganap na Deedee Kho, ang anak ng seasoned comedienne na si Nova Villa na pino-portray naman si Mimi.

Sinabi ni Jessa sa isang panayam, kung ano ang nilo-look forward niya na balik-Pepito Manaloto na siya.

“Grabe 'yung excitement, nandiyan na rin 'yung kaba. Basta ano lang good vibes lang. Excited talaga ako makatrabaho silang ulit lahat 'yung pamilya ko dito sa Pepito Manaloto,” paglalahad ng OPM singer.

Dagdag niya, “Before naman kasi na umalis ako sa Pepito for a while nung pandemic, 10 years din kami magkakasama. Maraming nabuong friendship talaga sa bawat isa.”

Kaabang-abang din daw ang reunion ng Kho family sa upcoming episode ng Pepito Manaloto.

Ani Jessa, “Siyempre yung pagkikita ng magnanay ni Mimi (Nova Villa) tsaka ni Deedee (Jessa), kasi andiyan na 'yun e, I'm sure nami-miss nila 'yun 'yung bonding ng magnanay, may drama siyempre. Siyempre given na 'yung katatawanan, tsaka 'yung mga banter ng Mimi, Deedee, Berta (Jen Rosendahl), tsaka Tommy (Ronnie Henares).

Huwag palampasin ang comeback ni Deedee Kho sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa darating na December 13 sa oras na 7:15 p.m.

RELATED GALLERY: The stunning and sexy looks of Jessa Zaragoza