GMA Logo Jessa Zaragoza
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Jessa Zaragoza, pagbabatiin sa 'Wish Ko Lang' ang magkapitbahay na nag-away dahil sa 'Bakit Pa'

By Aimee Anoc
Published September 1, 2022 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, shear line, easterlies to bring cloudy skies, rains on Monday
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Jessa Zaragoza


Abangan ang pagbisita ni Jessa Zaragoza sa 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado sa GMA.

Makakasama sa wish giving segment ng Wish Ko Lang si "Phenomenal Diva" Jessa Zaragoza.

Sa teaser na ibinahagi ng Wish Ko Lang noong Miyerkules, August 31, makikita si Jessa na nakikipag-usap sa magkapitbahay na sina Mylene at Tessie, na tampok ang mga buhay sa "Videoke" episode ng programa ngayong Sabado.

"Jessa Zaragoza, may pagbabatiing magkapitbahay na nag-away dahil sa ingay ng videoke!" sulat ng Wish Ko Lang.

Bibigyang-buhay ni Valerie Concepcion ang totoong kuwento ni Mylene, na naapektuhan ang pamumuhay ng pamilya dahil sa sobrang ingay ng kapitbahay niyang si Tessie (Shirley Fuentes) na araw-araw kung mag-videoke kasama ang mga kaibigan.

Abangan ang "Videoke" episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 3, alas-4 ng hapon sa GMA.

TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: