
Wagi ang singer-actress na si Jessa Zaragoza sa katatapos lang na Aliw Awards 2017.
Siya kasi ang hinirang bilang Best Female Concert Performer of the Year.
Pangalawang beses na niyang napanalunan ang award na ito. Noong 2016, nakuha rin ni Jessa ang parehong award.
Ang Aliw Awards ay taunang parangal na kumikilala sa mga nagpakita ng husay sa larangan ng live entertainment tulad ng mga concert, teatro, sayaw at iba pa.