
Limang tanyag at batikang mga mamamahayag at dokumentarista ang nagbahagi kung ano para sa kanila ang ibig sabihin ng "Tatak Public Affairs."
Ayon sa Philippines' Most Awarded Journalist na si Jessica Soho, hindi lamang ito simpleng pagbabalita kundi ang pagkakaroon din ng pagbabago sa buhay ng mga tao.
“Kapag sinabi mong Tatak Public Affairs, hindi lang tayo nagbabalita o nagkukwento. We want to change lives, one episode at a time," sabi niya sa "Tatak Public Affairs" plug na inilabas ng GMA Public Affairs sa telebisyon at online nitong August 30.
Para naman sa tinaguriang Country's Premier Documentarist na si Kara David, hindi nagtatapos sa isang interview ang kuwento ng isang tao.
“Things do not stop kapag sinabi ng director, 'Cut, tapos na.' 'Yung mga taong ini-interview natin, nagpapatuloy 'yung impact nung taong 'yon sa buhay mo,” pagbabahagi niya.
Samantala, ang mga istoryang may puso naman ang kahulugan ng pagiging "Tatak Public Affairs" para sa fearless journalist na si Maki Pulido.
“Dapat hindi mawawala 'yung passion na maikuwento mo kung ano 'yung pinagdaraanan ng mga kababayan natin,” saad niya.
Ayon naman kay Drew Arellano, ang adventurer for life, ang "Tatak Public Affairs ay tungkol sa pagiging mausisa.
“If you don't know something, just ask. So for the past 20 years, I've been asking. Until now, I'm still asking,” paliwanag niya.
Bilang truth seeker, naniniwala si Atom Araullo na ang impact na iniwan ng kanilang mga istorya ang maituturing na reward sa kanilang buwis-buhay na pagkukwento.
Aniya, “Kahit isang tao lang 'yan na nabago 'yung buhay dahil doon sa kwento mo. I think it makes it worth it.”
Panoorin ang buong "Tatak Public Affairs" video sa ibaba.