
Naghatid ng good vibes online ang internationally-acclaimed broadcast journalist na si Jessica Soho nang kumasa siya sa viral dance craze na “APT” na collaboration nina Bruno Mars at BLACKPINK Rosé.
Game na game humataw si Jessica kasama ang kanyang Kapuso Mo, Jessica Soho team sa isang EDSA footbridge kung saan makikita rin ang bagong billboard ng high-rating news magazine show para sa kanilang 20th anniversary.
Sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Jessica, inihayag nito na lubos ang saya niya sa naabot na milestone ng kanilang programa.
"We're happy na we've reached 20 years, we've gone this far. 'Yung core group ng KMJS is still with me. Narito pa rin kami, nakakapag-produce week in and week out."
Tampok sa anniversary episode ng KMJS ngayong Linggo ng gabi ang exclusive interview ni Jessica kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Dapat din abangan ng BLOOMS ang chikahan ng award-winning Kapuso news personality kasama ang P-pop queens na BINI.
RELATED CONTENT: Filipino celebrities join the 'APT' dance craze