GMA Logo Jessica Soho Ryu Seong ryong Lee Jung Ha
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (Facebook)
What's Hot

Jessica Soho, nakasama ang ilang Korean stars sa Asia Contents Awards and Global OTT Awards

By Jimboy Napoles
Published October 9, 2023 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cellphone ng tindahan, tila may sumpa? | GMA Integrated Newsfeed
Suspect in Cotabato grenade attack killed in hot pursuit
EA Guzman and Shaira Diaz mark their first New Year's celebration together

Article Inside Page


Showbiz News

Jessica Soho Ryu Seong ryong Lee Jung Ha


Bukod sa award na iniuwi, may selfies pa kasama ang Korean stars si Kapuso journalist Jessica Soho.

Ilang mga sikat at award-winning Korean stars ang nakasama ng batikang brodkaster at journalist na si Jessica Soho sa ginanap na Asia Contents Awards and Global OTT Awards sa Busan, South Korea, kahapon, October 8.

Isa si Jessica sa naging kinatawan ng Pilipinas para sa nasabing parangal dahil nominado ang kaniyang programang Kapuso Mo, Jessica Soho sa kategoryang Best Reality and Variety para sa istoryang “Sugat ng Pangungulila.”

Dito ay nakalaban ng programa ang anim pang entries mula sa mga bansang Korea at Vietnam.

Sa Facebook post ng KMJS, makikita ang ilang mga larawan ni Jessica sa nasabing prestihiyosong event kasama ang Korean actors kabilang si Ryu Seung-ryong na kinilalang Best Lead Actor para sa series na Moving. Kinilala rin si Seung-ryong dahil sa kaniyang naging mahusay na pagganap sa pelikulang Miracle in Cell No. 7.

Nakipag-selfie rin si Jessica sa nanalong Best Supporting Actress na si Lim Ji-yeon para sa revenge-drama series na The Glory.

Nakasama rin niya si Lee Jung Ha na tinanghal na Best Newcomer Actor para sa series na Moving.

May larawan din si Jessica kasama ang Indian actress at nanalong Best Lead Actress na si Karishma Tanna.

Nakasama rin ni Jessica bilang kinatawan ng bansa ang aktor at kapwa Pilipinong si Arjo Atayde na nominadong Best Lead Actor.

Samantala, muli ring kinilala ang KMJS bilang National Winner sa 2023 Asian Academy Creative Awards para sa Best Infotainment category sa istoryang “Kapuso Mo Jessica Soho Original: Titikman.”

Ang nasabing istorya ng KMJS ay tampok ang Magandang Dilag stars na sina Herlene Budol, at Benjamin Alves. Nakasama rin nila rito ang iba pang food vloggers, kung saan tinikman nila ang mga naging viral na putahe mula sa iba't ibang panig ng Pilipinas.

Ito na ang ikalimang pagkakataon na kinilala ang KMJS para sa nasabing award simula pa noong 2018.

Ayon sa naging announcement ng programa, walong entries pa mula sa ibang mga bansa ang makakalaban ng KMJS sa Grand Awards and Gala Final sa December 7, 2023 na gaganapin sa Singapore.

Congratulations, Kapuso!