Hinamon ni Aiai Delas Alas na mag-report beki-style ang award-winning host na si Jessica Soho.
By CHERRY SUN
Kilala bilang isang respetado at batikang broadcast journalist si Jessica Soho, pero marami ang nagulat at nag-enjoy nang mapasubo siya sa ‘Ai Challenge You’ segment ng CelebriTV.
Hinamon ni Aiai Delas Alas na mag-report beki-style ang award-winning host at reporter para sa kanyang segment sa newest entertainment-comedy talk show ng Kapuso network.
“Super tweet to the max ang AlDubnation dahil na-reachable star nila ang 12 milyones tweets last Sabadoo-badoo. Nagdate-china ang dalawa na wa naman spluk to each other pero kilig to the bones pa rin ang viewerships,” panimula ng ulat ni Jessica.
Habang nagtapos naman siya sa mga katagang “Bonggels! Jessica Soho po, reporting galore!”
Tila award-winning din ba ang beki-style reporting niya para sa inyo Kapuso? Panoorin ito: