
Game na game na binasa ni GMA News pillar Jessica Soho ang mga komento tungkol sa kanya at diumano'y kahawig niyang South Korean personality.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay viral ang mga larawan ni Ms. Jessica at Korean voice coach na si Jo A-Young dahil napansin ng mga netizen ang pagiging magkamukha nila.
Sa September 5 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), binasa ng host nito ang ilan sa mga komento tungkol sa viral photos.
Una na rito ang paggaya ng isang netizen sa madalas na spiel ni Ms. Jessica sa tuwing may gagawing research ang KMJS team.
Pagbasa niya, "'Lumipad ang aming team sa Korea upang makapanayam ang diumano'y kamukha ko, Jessica Soho.'"
Kasunod nito ay ang komento niyang, "Sana nga mahanap namin para hindi na kailangang lumipad pa do'n. Bawal pang bumiyahe. Kapag wala ng COVID, magandang mag-meet up sa ka-look alike ko, di ba?"
Isa pang madalas abangan sa KMJS ay ang mga reunion feature kung saan nagpapa-DNA test ang programa.
Kaya sa mga nagsabing baka kakambal ni Ms. Jessica si Jo A-young, sabi ng una, "Wala akong kakambal, nag-iisa lang po ako. Pero kung sasabihin ninyo na meron, ipa-DNA test natin."
Masaya namang tinanggap ng KMJS host ang mga nakaaaliw na komento ng netizens tungkol sa kanila ng South Korean personality.
Ani Ms. Jessica, "Nagulat ako kasi, this week, pinadala ng pinsan ko itong picture na ito na kamukha ko raw!
"Oo nga, magkamukha nga siguro kami--'yung mata, 'yung cheeks. Kung 'yung buhok ko sana parang ganito rin, na maitim na maitim at medyo malago.
"It's an honor and a privilege lalo na accomplished din siya, vocal coach. Sikat 'yung mga girl band na bino-vocal coach niya. So, kamsahamnida."
Panoorin ang kabuuan ng KMJS segment na ito:
Samantala, narito ang ilan pang local celebrities at ang kanilang Korean look alikes: